Pagsusuri Ng Akda-Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong Langit
Ang akda na aking susuriin ay pinamagatan na " Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit ," isang epiko ng mga Bagobo.Ang akdang ito ay mula sa mga aralin namin sa Filipino. Sa kaharian ng Kuaman,may magkapatid na nagngangalang Tuwaang at Bai,ngumunguya sila ng nganga. Nagpadala ng mensahe ang hangin kay Tuwaang,pinapapunta siya sa kaharia ng Batooy dahil may dumating na isang dalaga na ayaw makipag usap sa mga kalalakihan doon.Di pumayag si Bai pero wala siyang ginawa,tinawag niya ang kidlat at dinala siya nito sa lugar ng Pinaggayungan.Binisita niya ang Binata ng Pangavukad pagkarating roon at sinamahan siya nito maglakbay.Nakarating sila sa kaharian ng Batooy,humiga siya sa tabi ng Dalaga ng Buhong na Langit,pagkagising ni Tuwaang nagsalita ang dalaga at nag usap sila.Dumating ang Binata ng Pangumanon na tinataguan ng Dalaga dahil gusto siyang pakasalan nito ngunit hindi niya ito gusto.Sinusunog ng Binata ang lahat ng bayan na pinagtataguan ng Dalaga.Naglaban ...