Pagsusuri Ng Akda-Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong Langit
Ang akda na aking susuriin ay pinamagatan na "Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit," isang epiko ng mga Bagobo.Ang akdang ito ay mula sa mga aralin namin sa Filipino.
Sa kaharian ng Kuaman,may magkapatid na nagngangalang Tuwaang at Bai,ngumunguya sila ng nganga. Nagpadala ng mensahe ang hangin kay Tuwaang,pinapapunta siya sa kaharia ng Batooy dahil may dumating na isang dalaga na ayaw makipag usap sa mga kalalakihan doon.Di pumayag si Bai pero wala siyang ginawa,tinawag niya ang kidlat at dinala siya nito sa lugar ng Pinaggayungan.Binisita niya ang Binata ng Pangavukad pagkarating roon at sinamahan siya nito maglakbay.Nakarating sila sa kaharian ng Batooy,humiga siya sa tabi ng Dalaga ng Buhong na Langit,pagkagising ni Tuwaang nagsalita ang dalaga at nag usap sila.Dumating ang Binata ng Pangumanon na tinataguan ng Dalaga dahil gusto siyang pakasalan nito ngunit hindi niya ito gusto.Sinusunog ng Binata ang lahat ng bayan na pinagtataguan ng Dalaga.Naglaban ang Binata saka si Tuwaang,magkasing lakas lang sila at nasira na ang kanilang mga sandata.Tinawag ng binata ang kaniyang patung,isang mahabang bakal at ibinato ito kay Tuwaang.Pumulupot ito sakanya at lumiyab,tinaas lang ni Tuwaang ng kaniyang bisig at nawala na ito,gaya ng binata tinawag din ni Tuwaang ang kaniyang patung,binato sa Binata at lumiyab ito na ikanamatay ng Binata.Ginamit ni Tuwaang ang kaniyang laway upang buhayin ang mga napatay ng binata ng Pangumanon.Dumalo sa kasal si Tuwaang kasama ang Gunggutan na napaginipan si Tuwaang na tutungo si Tuwaang sa Kawkangan.Nagsimula na ceremonya ng kasal ng Dalaga ng Monawon at Binata ng Sakadna.Binayaran na ng kamag anak ng Dalaga ang mga bagay na para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag anak ng lalaking ikakasal o savakan,ngunit may mga hindi nabayaran na dalawang bagay.Umamin ang Binata na hindi niya ito mabayaran kaya tinulungan siya ni Tuwaang,sinaunang gong para sa unang bagay at gintong plawta at gintong gitara para sa ikalawa.Lumabas ang Dalaga at nagpamigay ng nganga sa mga bisita saka tumabi kay Tuwaang na ikinagalit ng Binata ng Sakadna.Naglaban silang dalawa at nilubog ang isa't isa sa mundong ilalim.
May kahinaan ang Binata,ang buhay niya ay nakapaloob sa gintong plawta na nalaman ni Tuwaang.Ayaw ng binata na pumabilang kay Tuwaang kaya sinira niya na ito at namatay ang Binata.
Maganda ang mga eksena lalo na ang mga eksenang may halong kababalaghan kagaya ng nakipaglaban si Tuwaang sa isang higante o ang Binata ng Pangumanon.Sa tingin ko ang tauhan na si Tuwaang ay napaka makapangyarihan lalo na sa eksenang binuhay niya ang mga patay gamit lamang ang kaniyang laway.Para sa akin,dapat tinago ng Binata ng Sakadna ang gintong plawta dahil nilalaman nito ang kaniyang buhay,dahil maging kahinaan niya ito sa huli naging kahinaan niyo ito at namatay.